Getafe, Bohol – Kasabay ng pagdiriwang ng buwan ng kababaihan ay inilunsad ng mga tauhan ng Getafe Municipal Police Station ang “Project Juana” na ginanap sa Brgy. Carlos P Garcia, Getafe, Bohol nito lamang Martes, Marso 29, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Justeofino Hinlayagan, katuwang ang mga miyembro ng Getafe MPS na masugid na sinuportahan at dinaluhan ng mga miyembro ng Women’s Organization at mga residente sa lugar.
Ang aktibidad ay sinimulan sa pamamagitan ng isang parada na naglalayong ipamalas ang angking ganda nina “JUANA”.
Maayos din isinagawa ang pagtatanim ng fruit bearing trees, maging ang pagbibigay ng kaalaman patungkol sa mga batas na kumakalinga sa karapatan ng mga kababaihan na siyang bahagi ng programa.
Sa tulong at pangunguna nina PSSg Mary Jean Cagata at Pat Ma. Louriemay Lamorin, kanilang tinalakay ang iba’t ibang Gender-Based Violence katulad ng R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004), R.A. 11313 (Safe Spaces Act), R.A 8353 (Anti-Rape Law), Sexual Assault, maging ang R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), at Anti-Terrorism ay kanila ring ipinaliwanag sa mga dumalo.
Nagtapos ang nasabing aktibidad sa isang Zumba na magiliw na pinangunahan ng mga kapulisan.
Ang hakbangin na ito ng kapulisan ay isang daan upang iparamdam at ipakita sa mga kababaihan ang pagmamahal at pagpapahalaga sa mga ito.
###
Panulat ni Patrolman Edmersan P Llapitan