Sunday, November 17, 2024

Programang “Ilaw ng Pag-asa” hatid ng RMFB-NCRPO

Taguig City — Naghatid ng programang “Ilaw ng Pag-asa” ang Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ng National Capital Region Police Office sa isang scrap dealer nito lamang Sabado, Mayo 28, 2022.

Ang aktibidad ay pinamunuan ni NCRPO Regional Director, Police Major General Felipe Natividad katuwang si Police Colonel Lambert Suerte, Force Commander ng RMFB.

Personal na naghatid ng Solar Lamp ang mga tauhan ng RMFB kay Ginoong Sherwin Rondillas, 36, naninirahan sa C6 Road, Sitio Lucasan, Barangay Wawa, Taguig City.

Ayon kay PMGen Natividad, si Rondillas ay isang scrap dealer na nangongolekta ng mga basura na pwedeng ibenta sa junkshop para kumita, dagdag din sa kita niya ang pagtitinda ng uling para maitaguyod ang kanyang pamilya.

Dahil sa limitadong kita, ang kanyang pamilya ay nabubuhay nang walang kuryente (ilaw) dahil sa kulang ang kanyang kinikita araw-araw.

Kaya naman nang maikabit ang solar lamp ng pulisya, kasabay nito ay ang liwanag at pag-asa na nag-aantay sa kanyang pamilya.

Ani PMGen Natividad, ang proyekto ay tinawag na “Ilaw ng Pag-asa” na naglalayong makapagbigay ng solar lamp sa mga pamilyang kapos sa buhay. Pwede itong gamiting alternatibong ilaw at paraan upang maiwasan ang paggamit ng kerosene lamp at illegal wire-tapping na maaaring magdulot ng sunog.

Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=378165111018353&id=100064746004618

###

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles