Magkatuwang ang Provincial at City Police Office sa ilalim ng gabay ng Police Regional Office (PRO) 2 sa paglunsad ng Bagong Pilipinas sa Barangay (BPSB) sa iba’t ibang sulok ng rehiyon na binuksan noong ika-25 ng Pebrero hanggang sa kasalukuyan.
Ang nasabing programa ay hudyat ng isang napakalaking hakbang tungo sa pakikipag-ugnayan sa komunidad, pagpapahalaga sa kultura, at serbisyo publiko.

Pinamunuan ni PBGen Christopher C Birung, PR02 Regional Director ang nasabing aktibidad na kung saan 409 target areas ang pinagdausan ng nasabing programa ng kapulisan sa rehiyon.

Layunin nito na magdulot ng mga pagbabago sa komunidad na umaabot sa tinatayang 20,763 benepisyaryo katuwang ang 257 mula sa iba’t ibang organisasyon ng pamahalaan, NGOs, local government units, at iba pang stakeholder.

Sinikap ng mga tanggapan ng pulisya sa probinsya at lungsod ang tuluy-tuloy na pagpapatupad ng inisyatibo ng BPSB, na nagpapatibay ng relasyon tungo sa pagkakaisa sa pagitan ng pulisya at mamamayan.
Samantala, nais ipaabot PBGen Birung ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kasosyo, stakeholder, at mga dedikadong tauhan ng pulisya na ang mga mahahalagang tungkulin ay nag-aambag sa matagumpay na pagsasakatuparan ng Bagong Pilipinas sa Barangay. Ito ay magsisilbing tulay sa hindi natitinag na pangako ng PRO2 na itaguyod ang mga prinsipyo ng serbisyo publiko at kapakanan ng komunidad.
Source: Police Regional Office 02
Panulat ni Micah Arzadon Enriquez