Cagayan – Pinangunahan ng Police Regional Office 2, sa pamumuno ni Police Brigadier General Christopher C Birung, PRO2 Regional Director ang Multi-Agency Send-off Ceremony ng 1,638 government employees at resources para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 nito lamang ika-23 ng Oktubre 2023 na ginanap sa PRO2 Camp Marcelo Adduru, Tuguegarao City, Cagayan.

Ipapakalat sa iba’t ibang lugar sa Cagayan Valley para sa BSKE 2023 ang naturang tauhan na nakibahagi sa aktibidad kasama ang 1,520 sa PRO2 personnel; 37 mula sa Coast Guard District Northeaster Luzon; 30 mula sa 5th Infantry Division, Philippine Army; 21 mula sa 14th SAB, PNP Special Action Force; 15 mula sa Kagawaran ng Edukasyon; at 15 mula sa Commission on Elections.

Dumalo naman ang bawat ahensyang kinatawan ng kani-kanilang direktor na nagpapakita ng pagkakaisa sa layuning mapanatili ang ligtas, patas, mapayapa at maayos na BSKE 2023.
Samantala, nagpaabot din ang COMELEC Region 2 na kinatawan ni Atty. Tabilas ng pasasalamat sa presensya at dedikasyon sa trabaho ang mga tauhan na mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na naglaan ng kanilang serbisyo para sa darating na eleksyon.

Pinaalalahanan din ni RD Birung bilang host agency ang mga tropa na huwag kalimutan ang responsibilidad na maglingkod sa publiko nang may sukdulang pangako, katapatan, at integridad. “Saan man kayo italaga ngayong halalan, laging igalang ang batas at bigyan ng mataas na prayoridad ang mga pangangailangan ng pangkalahatang publiko higit sa lahat ang kaligtasan at seguridad ng publiko,” ani RD Birung.
Source: Police Regional Office 2