Cagayan – Nakiisa ang Police Regional Office 2 (PRO2) sa Interfaith Prayer Service para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 na ginanap sa St. Vincent Ferrer Chapel, Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan, noong Setyembre 15, 2023.

Ang interfaith prayer ay pinangunahan nina Police Captain Rogen Leyson, Officer-In-Charge ng Regional Pastoral Office for Peaceful, Honest and Orderly BSKE 2023, Rev. Pastor Danny Punay, Regional Coordinator MBK-LC for PNP Organization, Government Agencies and Public Officials, at IMAM Prince Rachmadin Duran Cosain na dinaluhan ng mga Multi-Faith Based Groups, mga kapatid na Muslim, at mga tauhan ng PNP.

Naging bahagi ng programa ang pagsindi ng mga kandila bilang simbolo ng mapayapa at ligtas na BSKE 2023.
Ayon sa mensahe ni Police Major Sharon Mallillin, Hepe ng RPIO na ang PRO2 ay nagtakda ng mga hakbang sa seguridad upang matiyak na (MALINIS) “tapat, payapa, at kapani-paniwala” ang pagsasagawa ng Synchronized BSKE 2023.
Source: PRO2