Tuesday, October 22, 2024

PRO2 Acting Regional Director, mainit na tinanggap ng Isabela PPO

Buong galak at mataas na pagkilala ang ibinigay ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa pagdating ni PBGen Antonio P. Marallag Jr., Acting Regional Director ng Police Regional Office 2 (PRO 2) kasama ang kanyang mga Regional Staff sa kanyang opisyal na pagbisita noong ika-17 ng Oktubre 2024.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan at koordinasyon ng rehiyonal na pamunuan sa mga lokal na pwersa ng kapulisan kung saan pormal na sinalubong si PBGen Marallag ng Arrival Honors na pinangunahan ni PCol Lee Allen B. Bauding, isang pagkilala sa kanyang walang kapantay na serbisyo at pamumuno.

Sa kasunod na programa, iginawad ni PBGen Marallag ang mga komendasyon sa mga piling tauhan ng Isabela PPO na nagpamalas ng kahusayan sa kanilang mga operasyon.

Ang mga naturang parangal ay nagsilbing pagpapatibay ng kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan. Binigyang-diin ng Acting Regional Director na ang mga ganitong pagkilala ay mahalaga upang higit pang palakasin ang morale ng mga tauhan ng PNP at pasiglahin ang kanilang pagganap sa kanilang mga tungkulin.

Sa kanyang talumpati, hinimok ni PBGen Marallag ang mga kapulisan ng Isabela PPO na patuloy na ipatupad ang mga alituntuning itinatag ng Pambansang Punong Himpilan ng PNP.

Buong pwersa ng Isabela PPO, sa ilalim ng pamumuno ni PCol Bauding, ang nangakong patuloy nilang paiigtingin ang kanilang dedikasyon sa kanilang mga tungkulin upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa Isabela at ipagpatuloy ang mataas na antas ng serbisyo publiko.

Source: PNP Isabela

Panulat ni Pat Richelle Ledesma

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,280SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles