San Fernando City, La Union – Nakiisa ang Police Regional Office 1 sa pamumuno ni Police Brigadier General Westrimundo Obinque, Regional Director sa isinagawang Nationwide Simultaneous Flag Raising Ceremony sa pagdiriwang ng National Flag Day 2022 nitong Sabado, Mayo 28, 2022.
Ayon kay PBGen Obinque, ang kapulisan ng PRO1 ay nagbigay ng kanilang pinakamatikas na pagpupugay habang itinaas nila ang watawat na sumisimbolo sa pagkakaisa ng bawat Pilipino at sumasalamin sa mayamang kultura at kasaysayan ng bansa.
Noong Mayo 23, 1994, nilagdaan ang Executive Order No. 179 upang mapalawig ang pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Watawat mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12 kung saan hinihikayat ang lahat ng Pilipino na ipakita ang watawat ng Pilipinas sa lahat ng tanggapan at ahensya ng gobyerno, mga establisyimento, paaralan, at pribadong tahanan sa buong bansa.
Hinihikayat ni PBGen Obinque ang bawat pulis na samantalahin ang nasabing araw upang gisingin ang kanilang likas na diwa ng pagiging makabayan at magtrabaho ng maayos at laging isapuso ang disiplina.
Source: Police Regional Office 1
###
Panulat ni PSSg Lhenee B Valerio