Oriental Mindoro — Nagbigay ng tulong ang mga tauhan ng Police Regional Office MIMAROPA sa mga stranded na motorista sa Brgy. Sta. Isabel, Calapan City noong Miyerkules, Hulyo 26, 2023.
Sa hangaring mabigyan ng tulong ang mga stranded na motorista sa kahabaan ng National Highway, kumilos ang Police Regional Office MIMAROPA, sa pamumuno ni Regional Director, Police Brigadier General Joel Doria, sa pamamagitan ng pag-activate ng PRO MIMAROPA Help and Food Bank na nabigyan ng tulong ang nasa 100 na stranded na motorista sa nasabing barangay.
Ang pagsisikap ay pinangunahan ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Ermerson Tarac, Hepe ng CRMC/IORC, sa pakikipagtulungan ng Calapan City Police Station at ng Calapan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Ang PRO MIMAROPA Help and Food Bank ay opisyal na inilunsad noong Hulyo 22, 2023, bilang isang dedikadong plataporma para sa Philippine National Police (PNP) na magbigay ng humanitarian assistance sa panahon ng mga kalamidad.
Ang nasabing inisyatibo ay hindi magiging posible kung wala ang bukas-palad na kontribusyon at suporta mula sa mga organisasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), MIMAROPA 1 ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles, Tamaraw Masonic Lodge, Rotary Club of Calapan, Rotary Club Downtown Calapan, Oriental Mindoro Medical Society, Association of Contractor – 2nd District of Oriental Mindoro, Calapan Water, Xentro Mall Calapan, Citimart Calapan, Nuciti Mall, UNITOP, City Mall Calapan, G.E. Mart, Robinson Supermarket Calapan, Puregold, at ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Ang PRO MIMAROPA Help and Food Bank ay nagpapakita ng dedikasyon ng PNP at mga katuwang nito sa pagbibigay ng tulong at suporta sa komunidad, partikular sa panahon ng krisis.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus