Benguet – Nakiisa ang Police Regional Office Cordillera sa isinagawang Simultaneous SONA Caravan 2023 sa pamamagitan ng Outreach Program na ginanap sa Talete MG Elementary School, Talete, Bayabas, Sablan, Benguet nito lamang ika-24 ng Hulyo 2023.
Ang aktibidad ay pinasinayaan ni Police Brigadier General David Peredo Jr., Regional Director ng PRO Cordillera at pinangunahan naman ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion kasama ang Regional Medical and Dental Unit, Benguet Provincial Explosives and Canine Unit (PECU), 2nd Provincial Mobile Force Company, Sablan Municipal Police Station at Bureau of Fire Protection.
Tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng grocery items, rice packs, dental hygiene kits, school supplies, tsinelas at mga damit, ganundin ang pagsasagawa ng lecture hinggil sa Dengue Awareness and Prevention, tamang pagsisipilyo ng ngipin, Stages of Recruitment ng Communist Terrorist Groups (CTGs) sa 100 na mga napiling benepisyaryo.
Ang nasabing aktibidad ay naging posible sa pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan nina Madame of Bauang, Ms. Khristine Molitas, kinatawan ni Congressman Eric Go Yap, Ginoong Oscar G Paris mula sa Philippine Red Cross-Benguet Chapter at ang Drugstore Association of the Philippines-Benguet Chapter.
Patuloy ang Cordillera PNP sa paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan upang mapaigting ang ugnayan ng PNP at komunidad tungo sa pagkamit ng kaunlaran sa ating bayan.