PRO CAR, nakiisa sa pagdiriwang ng 109th Foundation Day at Abrenian Kawayan Festival 2026

0
215

Nakiisa ang Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) sa pagdiriwang ng 109th Foundation Day at Abrenian Kawayan Festival 2026 na ginanap sa Abra Sports Complex sa Bangued, Abra noong Marso 6, 2026, kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang national government agencies.

Kinatawan ng PRO CAR sina PBGen Julio S. Lizardo, Deputy Regional Director for Administration, at PCol Charles L. Domallig, Provincial Director ng Abra Police Provincial Office.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PBGen Lizardo na ang mapayapang pagdiriwang ng festival ay patunay ng pagkakaisa at malasakit ng bawat miyembro ng komunidad.

Tampok din sa programa ang seremonyal na deklarasyon ng State of Stable Internal Peace and Security (SSIPS) kung saan lumagda ang mga dumalo sa Pledge of Commitment and Dedication to Peace and Progress.

Namahagi rin ng mga kagamitang pangsakahan sa mga agrarian reform beneficiaries.

Sa pakikiisa sa aktibidad, muling pinagtibay ng PRO CAR ang matibay nitong pangako na palakasin ang ugnayan sa mga Local Government Unit, National Government Agencies, at komunidad para sa patuloy na pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, at napapanatiling kaunlaran sa Cordillera region.

Leave a Reply