Cotabato City – Nakiisa ang PRO BAR sa isinagawang One Outreach Mission ng Philippine Army sa Barangay Kalanganan Mother, Cotabato City nito lamang ika-10 ng Setyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinasimulan ng 99th Infantry “MAKABAYAN” Company, 5th Infantry “Star” Division, Philippine Army sa pangunguna ni 1st Lieutenant Junrine Taclob, Company Commander katuwang ang Regional Community Affairs and Development Division, 44th Special Action Company ng Special Action Force, PNP-Explosive Ordnance Disposal, PNP-Maritime Group at Singanen O Mindanao.
Ang programa ay nagsimula bandang alas-7:30 ng umaga na may temang “Bringing Hope for Peace and Development through Socio-Civic Services” at aabot sa 150 na kabataan ang nakatanggap ng serbisyo mula sa nasabing aktibidad.
Patunay lamang na ang mga ganitong uri ng aktibidad ay nagpapakita ng pagmamahal ng ating pamahalaan sa ating komunidad at patuloy na magbibigay ng serbisyo upang mas lalong mapagtibay ang samahan ng pamahalaan at komunidad.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz