Nakahanda na ang 8,809 na mga tauhan ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) kasama ang 800 na karagdagang pulisya mula sa iba’t ibang rehiyon upang magbigay ng mga tungkulin sa halalan kasabay ng Full Alert Status sa Rehiyon ng Bangsamoro.
Nakahanda na din ang checkpoints at border control katuwang ang iba pang law enforcement agencies upang siguruhin ang maayos at mabilis na paglutas ng anumang mga isyu.

Pinasalamatan naman ni Police Brigadier General Allan Nobleza, Regional Director ng PRO BAR, ang mga nakatalagang pwersa ng pulisya para sa kanilang pagseserbisyo, at pinaalalahanan din ang mga ito na panatilihin sa lahat ng oras ang propesyonalismo at dedikasyon upang mapanatili ang demokratikong proseso.

Alinsunod sa paninindigan ng Hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na si Police General Benjamin Acorda Jr., ang araw ng halalan ay mananatiling kontrolado ng pamahalaan, at hindi natin kukunsintihin ang anumang pagkagambala o banta sa karapatang bumoto ng ating mamamayan.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz