Leyte – Pinangunahan ng Police Regional Office 8 Press Corps ang isinagawang Community Outreach Program sa Brgy. Ferdinand E. Marcos, Calubian, Leyte, noong Agosto 26, 2023.
Katuwang ng grupo sa aktibidad ang mga tauhan ng Regional Public Information Office at Regional Community Affairs and Development Division ng PRO 8.
May kabuuang 50 school learners ang nakatanggap ng school supplies mula sa PRO 8 at meal packs na ipinamahagi ng Local Government Unit at Calubian Municipal Police Station.
Ang naturang aktibidad ay pinangasiwaan ng pangulo ng PRO 8 Press Corps na si G. Ionnes Omang, kasama si Police Lieutenant Colonel Ma Bella D Rentuaya, Deputy Chief, RCADD/Chief, RPIO 8 at iba pang kawani ng LGU.
Bukod dito, nagbigay naman ng kanilang buong suporta sa tagumpay ng aktibidad si Hon. Nemrod Fiji, Brgy. Chairman at Police Major Neil Fernando Cerdeña, Acting Chief of Police, Calubian MPS.
Patuloy na magpapaabot ng serbisyo ang Pambansang Pulisya sa mga lubos na nangangailangan katuwang ang mga stakeholders bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pagkakaroon ng matatag na ugnayan sa lipunan.