Palo, Leyte – Nakiisa ang kapulisan ng Police Regional Office 8 sa Camp Ruperto Kangleon Day Care Center Moving Up Ceremony sa Brgy. Campetik, Palo, Leyte nitong Lunes, Hulyo 11, 2022.
Ang programa ay may temang “Pre-Kinder Children sa Gitna ng Pandemya, Patuloy na Lumalaban, Matibay at Masigasig Tungo sa Magandang Kinabukasan”.
Dumalo sa seremonya sina Police Lieutenant Ma Rosa Copino, Chief ng Community Affairs Section, RCADD; Police Staff Sergeant Joebert, Assistant FJGAD PNCO kasama si Hon. Amelia Sornito, Brgy. Chairwoman; Ginang Florence C. Fabella at Gng. Mary Knoll M. Fabella, Pre-Kinder Teachers.
May kabuuang 30 Pre-Kinder Pupils mula sa nasabing barangay ang kasama sa Moving Up Ceremony.
Patuloy naman ang Pambansang Pulisya sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga mamamayan upang lalong mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez