Palo, Leyte– Nagpadala ang Police Regional Office 8 ng karagdagang 408 na mga kapulisan para sa Peacekeeping Mission sa ginanap na turn-over and send-off ceremony nito lamang Miyerkules, Marso 30, 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Bernard Banac, Regional Director, ito ay ang 3rd batch na deployment ng PRO 8 para sa Peacekeeping Mission bilang bahagi ng paghahanda sa seguridad para sa SAFE 2022 National and Local Elections.
255 na lalaki at 153 na babae ang bumubuo sa deployment bilang karagdagang puwersa na mamamahala sa iba’t ibang mga municipal at city police stations sa rehiyon otso para sa nalalapit na halalan.
Sa kabuuan, mayroon nang humigit-kumulang 887 tauhan ang naka-deploy para sa peacekeeping mission sa buong Eastern Visayas.
“Habang papalapit na ang halalan, dinodoble natin ang ating pagsisikap upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga komunidad at ng publikong bumoboto. Asahan na mas maraming nakaunipormeng lalaki at babae ang makikita sa lahat ng lugar na ginagawa ang kanilang mga tungkulin”, ani General Banac.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn Valdez
Wow.. ang galing ng PNP
Saludo ako sa PNP serbisyong tunay para sa bayan