Palo, Leyte – Inilunsad ng Police Regional Office 8 ang Enhanced Tourist Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP) sa PRO 8 Matapat Hall, Camp Kangleon, Palo, Leyte noong Lunes, Hulyo 18, 2022.
Ang seremonya ay pinangunahan ni Police Brigadier General Bernard M Banac, Regional Director, kasama si Dir. Karina Rosa S. Tiopes, Regional Director ng Department of Tourism-Regional Office VIII bilang Guest of Honor and Speaker.
Ang TOPCOP ay inilunsad upang buhayin muli ang industriya ng turismo dahil sa mas maluwag na ang quarantine restrictions sa Eastern Visayas.
Sa muling pagbubukas ng mga tourist destinations sa rehiyon, ang programang ito ng PNP at sa pakikipag-ugnayan sa DOT ay matitiyak ng mga turista at manlalakbay, kapwa dayuhan at lokal sa kanilang kaligtasan at seguridad. Makakatulong din ito sa pagtataguyod ng isang mas ligtas na tourist environment, na siyang pangunahing misyon ng TOPCOP.
Ang pagkakaroon ng trained tourist police ay makagbibigay din ng karagdagang seguridad sa mga lugar na bulnerable sa mga krimen.
Ang aktibidad ay dinaluhan ni Police Colonel Richard R Saavedra, Acting Chief, Regional Operations Division (ROD), Police Lieutenant Colonel Ma Bella D Rentuaya, Assistant Chief, Regional Community Affairs and Development Division (RCADD/PIO), Police Lieutenant Colonel Teddy C David, Regional Pastoral Office (RPO). Dumalo din ang 119 Police Commissioned at Police-Non-Commissioned Officers mula sa iba’t ibang Police Provincial/City Offices ng Rehiyon.
“Ito ay napapanahon ngayon dahil tayo ay patuloy na lumilipat mula sa panahon ng pre-pandemic tungo sa pagpapatibay sa isang bagong normal. Dahil nakikita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos ang turismo bilang isa sa mga haligi ng kanyang administrasyon, kailangan nating gawin ang ating patas na bahagi tungo sa pagkamit ng karaniwang layunin, ” mensahe ni PBGen Banac.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez