Nagsagawa ng Simultaneous Showdown Inspection of PNP Disaster Response Equipment Capabilities ang Pambansang Pulisya sa pamumuno ni Police General Rommel Francisco D Marbil, Chief PNP na aktibong nilahukan ng Police Regional Office 7 sa PRO 7 Headquarters Camp Sergio Osmeña Sr., Osmeña Blvd., Cebu City, noong ika-28 ng Mayo 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Anthony A Aberin, Regional Director ng PRO 7, katuwang ang Command Group at mga opisyales ng iba’t ibang opisina ng PNP Central Visayas.
Ipinamalas ng buong hanay ng kapulisan ng Central Visayas ang mga available equipment, mobility, ambulance, trucks at ang Search, Rescue and Retrieval Team para sa inaasahang tag-ulan.

Ang Simultaneous Showdown Inspection of PNP Disaster Response Equipment Capabilities ay inisyatibo ni Police General Marbil at PNP Critical Incident Management Committee na may layuning masuri ang mga kagamitan at kahandaan ng kapulisan sa oras ng kalamidad o sakuna dahil sa bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis ligtas ka!.
Panulat ni Pat Grace P Coligado