Cebu City – Matagumpay na inilunsad ng Police Regional Office 7 ang livelihood program na handog sa mga kababaihan, ang “Panginabuhian Alang sa Kababayen-an” noong Martes, Mayo 9, 2023 sa Multi-Purpose Hall, Camp Sergio Osmeña Sr., Cebu City.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Anthony Aberin, Regional Director ng PRO 7, na personal na pinaunlakan ng kanyang butihing maybahay na si Gng. Melinda E Aberin na siyang pangunahing tagapagtaguyod ng programa.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga miyembro at Hepe ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) 7, Police Colonel Emelie Santos, iba pang miyembro ng Regional Staff and Command Group, Chief ng mga Community Affairs and Development Units (CADU), at ng 75 na kalahok mula sa iba’t ibang lungsod at probinsya ng rehiyon.
Sa naging mensahe ni Police Colonel Santos ukol sa programa, ito ay nabuo upang matugunan ang mga partikular na pangangailangan at hamon na kinakaharap ng mga kababaihan sa kanilang kabuhayan.
“Panginabuhian Alang sa Kababayen-an is designed with a clear rationale to address the specific needs and challenges faced by women in their livelihood, the program seeks to contribute to a more equitable and inclusive society where women can thrive and achieve their full potential in all aspects of lives and to strive to create a comprehensive and empowering experience for women, equipping them with necessary tools, knowledge, and support to enhance their livelihood and realize their full potential,” ani nito.
Ang nasabing programa ay inaasahan na ipapatupad ng PRO 7 sa iba pang bahagi ng rehiyon sa mga susunod na araw at buwan na kung saan ang mga kalahok ay sasailalim sa iba’t ibang livelihood training.