Buruanga, Aklan – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Police Regional Office 6 kasama ang Officers’ Ladies Club sa Buruanga Covered Court, Poblacion, Buruanga, Aklan nito lamang ika-9 Disyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan mismo ni PBGen Leo Francisco, PRO6 Director, kasama ang kanyang maybahay na si Mrs. Pinky Lyn I. Francisco, PRO6 Officers’ Ladies Club Adviser, iba pang PRO6 OLC Officers, OLC president ng Aklan PPO na si Mrs. Lynette Mendoza katuwang ang FNKN Officers, Mayor Concepcion Labindao, Vice Mayor Femy Dumaguin ng Buruanga at sa buong suporta ni Congressman Teodorico Haresco ng 2nd District of Aklan.
Nasa 150 na benepisyaryo mula sa 4Ps ang lumahok at nagpakita ng kanilang mga kasanayan sa paggawa ng mga produktong pangkabuhayan, nangako naman ng Php150,000 si Congressman Teodorico Haresco bilang panimulang puhunan sa negosyo ng mga benepisyaryo.
Samantala, nagkaroon din ng lecture sa usaping legal na pinangunahan ng PRO6 Legal Team na nilahukan ng Barangay Based Advocacy Support Groups.
Ang ganitong aktibidad ay patunay lamang na ang ating kapulisan, ibang ahensya ng pamahalaan at pamayanan ay nagtutulungan upang makatulong sa pagunlad ng ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.