Sunday, December 29, 2024

PRO 6, nag-deploy ng 1,900 Pulis para sa Undas 2024 sa Western Visayas

Nag-deploy ng 1,900 na kapulisan ang Police Regional Office (PRO) 6 upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa buong Western Visayas sa darating na All Saints’ Day at All Souls’ Day nitong ika-30 ng Oktubre 2024.

Ayon Kay Police Brigadier General Jack L Wanky, Regional Director ng PRO 6, ang mga pulis ay itatalaga sa mga pangunahing transport terminals, mga pantalan, at iba pang mga lugar ng pagtitipon upang matiyak na ang mga mamamayan ay makakapagbiyahe ng ligtas at maayos sa kanilang pagbisita sa mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ang deployment ay bahagi ng mas malawak na operasyon ng PNP upang tugunan ang mga potensyal na banta sa seguridad, lalo na sa mga panahong ito ng pagdagsa ng tao.

Ang mga pulis ay magkakaroon din ng mga checkpoints at magiging aktibo sa pag-monitor ng sitwasyon sa mga matataong lugar.

Hinihikayat ng PRO 6 ang publiko na makipagtulungan at sumunod sa mga alituntunin ng mga awtoridad upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdiriwang ng Undas ngayong 2024.

Ang mga pulis ay handang tumulong at sumagot sa anumang mga katanungan o pangangailangan ng mga tao sa panahon ng pagdiriwang.

Ang PRO 6 ay naglalayong hindi lamang masiguro ang seguridad kundi pati na rin ang kapayapaan sa mga komunidad at sa buong rehiyon.

Sa pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya, asahan ang isang mas organisado at ligtas na Undas para sa lahat.

Source: PRO6 RPIO

Panulat ni Pat Glydel V Astrologo

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles