Sunday, January 26, 2025

PRO 6 Contender, pumangalawa bilang Grand Finalists ng Singing Cops of the Philippines 2024

Isang espesyal na patimpalak ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas, ang Singing Cops of the Philippines 2024, kung saan itinampok ang mga pulis na may talento sa pagkanta.

Isa sa mga natatanging kalahok ay si PSSg Jo-Nah Belle Arcenal na kinatawan ng PRO 6, na nakasungkit ng ikalawang puwesto sa Preliminary Judging sa kompetisyon na ginanap nito lamang ika-12 ng Setyembre 2024 sa Bulwagang Lapu-lapu sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City.

Si PSSg Arcenal ay kasalukuyang nakatalaga bilang Operations PNCO ng Passi City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Benjo E Clarite.

Ang kanyang pagsisikap at talento ay nagsilbing inspirasyon hindi lamang sa kanyang mga kasamahan kundi pati na rin sa komunidad.

Ang Singing Cops of the Philippines 2024 ay isang magandang plataporma upang ipakita ang mga positibong aspeto ng PNP, na sumasalamin sa kanilang malasakit sa bayan sa pamamagitan ng sining.

Sa mga ganitong aktibidad, naipapakita ng Philippine National Police na hindi lamang sila mga tagapagpatupad ng batas kundi mga kaibigan ng komunidad na handang makiisa sa mga makabuluhang gawain.

Ang tagumpay ni PSSg Arcenal ay patunay ng pagkakaroon ng talento at dedikasyon ng mga kapulisan sa PRO6 na siyang nag-uugnay sa PNP sa puso ng mga mamamayan.

Sa ngayon ay patuloy ang paghahanda ni PSSg Arcenal para sa  gaganaping Grand Finals ng Singing Cops of the Philippines 2024, kung saan kanyang makakatunggali ang siyam na iba pang kalahok mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas sa Setyembre 27, 2024 sa Music Museum, San Juan City.

Sa huli, ang mga ganitong inisyatiba ay nagpapatibay sa tiwala ng publiko sa PNP bilang isang organisasyon na hindi lamang naglilingkod kundi nagbibigay inspirasyon din sa bayan, dahil sa Bagong Pilipinas ang gusto ng pulis ligtas ka!.

Source: PCADG Western Visayas

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles