Patuloy ang paghahanda ng Police Regional Office 5 sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Andre P Dizon, Regional Director dahil sa banta ng Bagyong Aghon sa Rehiyong Bicol.

Nakiisa din ang PRO 5 sa Pre-Disaster Risk Assessment Meeting kasama ang iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan sa Rehiyong singko na naglalayong tiyakin ang kahandaan sa pagbibigay ng tulong at serbisyo sa panahon ng malakas na ulan at hangin na dala ng bagyo.
Inihanda na rin ng kapulisan sa iba’t ibang panig sa Bicol ang mga kagamitan na maaaring gamitin sa posibleng paglikas ng mga apektadong residente.

Patuloy ang pagsasagawa ng mga kapulisan ng water level monitoring sa mga mabababang lugar at nakahanda na rin ang mga Search, Rescue and Retrieval equipment.

Pinapaalalahanan din ng kapulisan ang mga residente lalo na sa mga nasa mabababang lugar at baybayin na mag-ingat at makinig sa abiso ng mga awtoridad sa banta ng epekto ng bagyo.
Photo Courtesy bu PNP Kasurog Bicol