Legaspi City, Albay – Nakiisa ang Police Regional Office 5 sa paggunita sa Araw ng mga Bayani sa harap ng Heroes Shrine, Camp BGen Simeon A Ola, Legaspi City, Albay nitong Lunes, Agosto 29, 2022.
Ang naturang paggunita ay pinangunahan ni PBGen Rudolph B Dimas, Regional Director, Police Regional Office 5 sa pag-alala sa kabayanihan, katapangan at sakripisyo ng mga ninuno ng bansa na nagbuwis ng kanilang buhay upang makamit ang kasarinlan at kalayaan ng ating bansa.
Tuwing ika-29 ng Agosto ay ipinagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang Araw ng mga Bayani upang parangalan at alalahanin ang lahat ng mga bayani ng rebolusyon na tumulong sa pagtatag ng pundasyon para sa kalayaan ng bansa.
Ito rin ay para magbigay pugay sa mga miyembro ng ating organisasyon na namatay ayon sa mandato ng PNP na “To Serve And Protect”.
Sa aktibidad, binasa ni PBGen Dimas ang mensahe ni CPNP na nagtampok sa pangako ng buong organisasyon sa paglaban sa kriminalidad.
“Today, we reaffirm our commitment to the peace and security that our heroes fought and died for. With this commitment, we remain on the battle field against crime, illegal drugs, corruption, and terrorism; even as we, continue our tireless pursuit of cleansing our backyard of members unfit to be called the nation’s protectors and public servants.”
Bukod dito, ang selebrasyon ay nagbigay-daan din upang kilalanin ang mga frontliner na patuloy na gumagawa ng makabuluhang sakripisyo at kontribusyon upang mapanatili ang maayos na komunidad at tulungan ang publiko habang nananatiling alalahanin ang pagkakaroon ng COVID-19.