Cagayan – Naka-alerto ang mga miyembro ng Police Regional Office 2 sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Christopher Birung, Acting Regional Director dahil sa patuloy na pagragasa ng bagyong Goring sa Lambak ng Cagayan nitong ika-27 ng Agosto 2023.
Patuloy ang pagsasagawa ang mga kapulisan ng water level monitoring sa mga mabababang lugar at nakahanda na rin ang mga Search, Rescue and Retrieval equipment.

Nag-iikot din sila para sa Oplan tambuli upang patuloy na paalalahanan at abisuhan ang mga residente na manatili sa kanilang mga tahanan, maging alerto, at laging maghanda para sa posibleng paglikas.
Samantala, inihanda na rin ang mga relief goods mula sa PNP Help and Food Bank Project na ipamamahagi sa mga nasalanta ng bagyo.
Magsusumikap ang Pambansang Pulisya na mapanatiling ligtas ang mamamayan sa panahon ng kalamidad. Dagdag nito, hinihikayat din ng hanay ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng komunidad.
Source: Police Regional Office 2