Tuesday, January 28, 2025

PRO 2, ginunita ang ika-10 Anibersaryo ng SAF 44

Inaalala ng Police Regional Office (PRO) 2 ang kabayanihan ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya sa temang “Courage Beyond Measure: Remembering the Sacrifice of the SAF 44 for Peace” nito lamang ika-25 ng Enero 2025 sa SAF 44 Monument sa PRO 2.

Pinangunahan ni Police Brigadier General Antonio P. Marallag, Jr., Regional Director ng PRO 2, ang paggunita kasama ang mga naiwang pamilya ng mga bayaning SAF 44 at mga pulis ng rehiyon.

Ang madugong engkuwentro sa Mamasapano noong Enero 25, 2015 ay nagresulta sa pagkamatay ng 44 SAF troopers, anim sa kanila ay mga taga-Cagayan Valley. Kabilang dito sina PO2 Joel Dulnuan mula Nueva Vizcaya; PO3 Loreto Capinding, Jr., PO3 Rodrigo Acob, at PO3 Andres Duque, Jr. mula Isabela; at PO2 Richelle Baluga at PO1 Oliebeth Viernes mula Cagayan.

Binigyang-diin pa ni PBGen Marallag Jr. na hindi dapat makalimutan ng bansa ang walang katulad na tapang at pagmamahal sa bayan na ipinamalas ng SAF 44 sa kanilang operasyon laban sa terorismo sa Mamasapano, lalo na’t unti-unti nang nakakamit ang kapayapaan sa Maguindanao.

Ayon sa Presidential Proclamation No. 164 na inilabas ng Malacañang, idineklara ang Enero 25 ng bawat taon bilang National Day of Remembrance, bilang paggunita sa 44 na miyembro ng SAF na nagbuwis ng kanilang buhay sa operasyon laban sa terorismo sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

Source: PRO 2

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles