Sarangani Province – Tinawid ng Police Regional Office (PRO) 12 Team KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) ang pitong ilog at bundok para maghatid ng serbisyo sa Sitio Nabol, Brgy. Kinam, Malapatan, Sarangani Province, noong Oktubre 16, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Gilberto Tuzon, Officer-In-Charge ng Regional Community Affairs and Development Division 12 katuwang sina Fr. Jeffrey Mendez at Fr. Celso Macas (Resident Priests) at ilang miyembro ng pamayanan at kapulisan ng PRO 12 sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director, Police Brigadier General Jimili Macaraeg.
Ayon kay PCol Tuzon, aabot sa mahigit 150 na residente at mga kabataan ng nasabing sitio ang napamahagian ng serbisyo kabilang ang pamamahagi ng food packs at palaro naman para sa mga bata at feeding program.
Agad namang sinundan ng pagtuturo patungkol sa programa ng Pambansang Pulisya na MKK=K o Malasakit+Kaayusan+Kapayapaan tungo sa Kaunlaran program kung saan nakalakip lahat rito ang lahat ng programa ng Pambansang Pulisya para makamit ang isang maayos, mapayapa at maunlad na komunidad.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente dahil sa di inaasahan na makakatanggap sila ng iba’t ibang serbisyo dahil sa kalayuan ng kanilang lugar. At kahit papano ay naiparating din nila ang kanilang pangunahing problema pagdating sa kakulangan ng supply ng tubig.
Alinsunod sa programang MKK=K, tinitiyak ng PRO 12 Team KASIMBAYANAN at Retooled Community Support Program (RCSP) Immersion na tutulungan nitong makapagpatayo ng maayos na kuhanan ng tubig sa naturang lugar.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin