General Santos City – Pinangunahan ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12 kasama ang kanyang may bahay na si Ma. Rosie S Macaraeg, ang taunang New Year’s Call na ginanap sa SM City General Santos City Trade Hall 1, San Miguel St., Lagao, General Santos City nitong araw ng Lunes, Enero 16, 2023.
Ang naturang tradisyonal na seremonya ay dinaluhan ng mga pinuno ng mga City/Provincial Police Office; City/Police Station; Maneuver Company; Regional Administrative Support Unit (RASU); Regional Operational Support Unit (ROSU) sa pangunguna ng PRO 12 Command Group na sina Police Brigadier General Rolando E Destura, Deputy Regional Director for Administration; Police Colonel Rogelio Z Raymundo Jr., Deputy Regional Director for Operations; at PCol Arnold C Santiago na siya namang Chief Regional Staff.
Kasama rin ng mga opisyales ang kani-kanilang mga kabiyak sa buhay.
Sa talumpati ni PBGen Macaraeg, kanyang binigyang kilala ang puspusang paninindigan ng kapulisan ng PRO 12 laban sa krimen, ilegal na droga, korapsyon at iba pang uri ng kriminalidad upang mapanatili ang kaayusan at pag-unlad ng Rehiyong SOCCSKSARGEN.
Kaugnay nito, tinitiyak naman ni Regional Director Macaraeg, sa publiko ang patuloy na paghahatid ng agarang serbisyo para sa mamamayan.
“May we continue to reap success in the accomplishment of our expanded mandate. May our troops be safe while performing their respective community support roles. And may we continue to forward towards accomplishing our government’s objective of inclusive economic growth, excellence in governance, and lasting peace in our land.” ani PBGen Macaraeg.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin