Nagpalabas ng pahayag ang opisyal Facebook Page ng Police Regional Office 11 kaugnay sa umano’y ipinadalang liham ng isang pulis kay Police General Rommel Francisco D Marbil, Chief ng Philippine National Police nito lamang Setyembre 4, 2024.
“Kumpiyansa kami na ang naturang liham ay walang batayan at hindi sumasalamin sa damdamin ng aming mga pulis,” giit ng PRO 11.
Muli naman ay binigyang-diin nito na ang PNP ay patuloy na nakatuon sa pagpapatupad ng batas habang tinitiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga tauhan nito gayundin ang pagpapanatili ng pinakamataas na antas ng integridad at propesyonalismo.
Patuloy namang hinihimok ng pulisya ang publiko na manatiling mapanuri sa mga impormasyon at umasa lamang sa mga pahayag na inilalabas ng PNP, iba pang awtoridad at lehitimong media.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino