Nanguna at personal na binisita ni Police Brigadier General Alden Delvo, Regional Director ng Police Regional Office 11, at ng kanyang maybahay na si Ginang Goldie Delvo, kasama ang Davao Masonic Lodge 149 ang mga kabataan na kinupkop ng Balay Dangupan Center, Davao City nito lamang Enero 16, 2024.

Ang Balay Dangupan Center ay isang shelter care institution o pansamantalang tahanan ng mga survivors at biktima ng physical at sexual abuses.
Ayon kay PBGen Delvo, ito ay bahagi ng kanyang taunang panata bilang tradisyon na magbigay ng mga hygiene kits, electric fans, at groceries.

Binisita rin ni PBGen Delvo ang Su Gian Home for the Aged at nagbahagi sa mga ito ng bigas at ibang pang pangunahing pangangailangan.
Sa pamamagitan ng pag-check sa kanilang kapakanan habang namamahagi ay maipalaganap ng ating kapulisan at gobyerno ang patuloy na nakatuon sa support initiatives at programa sa pagpapaangat ng buhay ng mga Pilipino sa panahon ng krisis.

Samantala, ang Police Regional Office 11 ay patuloy na nagpupursige na lalong pahusayin ang mga hakbangin at programa sa hangaring mananatiling ligtas ang komunidad at mamamayan.
Panulat ni Patrolwoman Elhynn Joy Pagsugiron