Thursday, May 22, 2025

PRO 11, nakiisa sa PNP Wide Annual Inspection of Disaster Response Equipment

Nakiisa ang Police Regional Office 11 sa pangunguna ni Regional Director, Police Brigadier General Leon Victor Rosete, sa PNP Wide Annual Inspection of Disaster Response Equipment nito lamang Mayo 21, 2025 sa Camp Sgt Quintin M Merecido, Buhangin, Davao City.

Sa isinagawang sabayang inspeksyon, personal na sinuri ni PBGen Rosete, ang mga kagamitang mahalaga sa panahon ng di-inaasahang mga pangyayari kabilang dito ang mga communication device, emergency lights, rubber boats, first aid kits, at mga sasakyang ginagamit sa transportasyon.

Kasunod ito ng panawagan ni Chief, Philippine National Police, Police General Rommel Francisco D Marbil, na gampanan ng mga pulis ang tungkuling panatilihin ang kapayapaan at kaayusan at palawakin ang kanilang papel sa pagbibigay ng seguridad sa mamamayan sa pamamagitan ng kahandaan sa pagresponde sa mga emerhensiya—kabilang na ang mga insidente ng sunog, kalamidad, aksidente, at iba pang katulad na pangyayari—at pagbibigay ng paunang lunas kung kinakailangan.

Ang kaganapang ito ay malinaw na patunay ng matatag na paninindigan ng PNP sa pagsigurong ang bawat pulis ay may kakayahang magbigay ng angkop at agarang tugon bago, habang, at pagkatapos ng isang kalamidad.

Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles