Cagayan de Oro City – Karagdagang pwersa ng mga kapulisan mula sa Police Regional Office 10 ang ipinadala sa iba’t ibang bahagi ng Northern Mindanao para siguruhin ang kaligtasan para sa Sangguniang Kabataan Election 2023 na idinaos sa RHQ Grandstand Camp 1Lt Vicente G Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang Oktubre 27, 2023.
Pinangunahan ni Police Colonel Martin Gamba, Acting Regional Staff, Police Regional Office 10 at Police Colonel Wilbur Salaguste.

Mahigit kumulang nasa 1,000 personahe ng Police Regional Office 10 ang idinagdag na matatalaga sa iba’t ibang bahagi ng Northern Mindanao.
Nagbigay naman ng inspirational message at gabay si PCol Gamba at PCol Salaguste upang paalalahanan ang mga kasapi ng PRO 10 sa maging tungkulin sa pagsigurado ng kaligtasan ng bawat mamamayan sa darating na halalan.
Patuloy ang Police Regional Office 10 katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang tiyakin na maging mapayapa ang halalan sa bansa.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris