Malugod na binigyan ng arrival honors ng Police Regional Office (PRO) 1 si NAPOLCOM Commissioner PBGen Josephus G. Angan (Ret) sa kanyang opisyal na pagbisita noong Marso 9, 2026. Ang seremonya ay pinangunahan ni PBGen Dindo R. Reyes, Regional Director ng PRO 1, bilang pagpapakita ng mataas na paggalang at pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng opisyal sa pagpapaunlad ng serbisyo ng kapulisan.

Isinagawa ang seremonyal na pagtanggap sa Camp BGen Oscar M. Florendo sa Parian, City of San Fernando, La Union kung saan mainit na sinalubong ng mga opisyal at tauhan ng PRO 1 ang panauhing pandangal. Ipinakita sa programa ang disiplina, pagkakaisa, at propesyonalismo ng hanay ng kapulisan sa rehiyon.

Ayon sa pamunuan ng PRO 1, mahalaga ang pagbisita ni Commissioner Angan upang higit pang mapalakas ang ugnayan ng Philippine National Police at ng National Police Commission sa layuning mapabuti ang pamamahala at paghahatid ng serbisyo sa publiko.
Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, muling pinagtibay ng PRO 1 ang kanilang patuloy na pangako sa propesyonalismo, mahusay na pamumuno, at pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Source: PRO 1



