Sa gitna ng unos na dala ni Bagyong Carina, naging kaagapay ang mga tauhan ng Police Regional Office 1 sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga mamamayan na kanilang nasasakupan.
Agad na ipinag-utos ni Police Brigadier General Lou F Evangelista na mag-deploy ng mga kapulisan sa mga lugar na tinamaan ng bagyo upang magsagawa ng rescue operations at road clearing operation para sa agarang kaligtasan ng mga residente.
Kasabay nito, nakiisa din ang mga kapulisan sa pamamahagi ng mga food packs upang masiguro na maibibigay ang agarang pangangailangan sa pagkain ng mga nasalanta.
Patuloy na nakaalerto ang mga kapulisan ng Region 1 upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga apektadong lugar sa pamamagitan ng pagbibigay seguridad, paglilinis sa daan at pagpuputol ng mga puno na maaaring bumagsak dahil sa malakas na hanging dulot ng bagyo.
Sa panahon ng sakuna, ang kapulisan ng PRO 1 ay hindi mag-aalinlangang maghatid ng tulong sa mga residenteng lubos na nangangailangan at laging sisiguruduhin ang seguridad at kaligtasan ng bawat mamamayan dahil sa bagong Pilipinas ang gusto ng Pulis Ligtas Ka!