Cauayan City, Isabela – Naaresto ang isang guro sa ikinasang Oplan Pagtugis ng mga kapulisan ng Isabela noong Marso 15, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Julio Go, Acting Provincial Director, Isabela Police Provincial Office, ang suspek na si Rlynn Marchan y Florece, 33, babae, walang asawa, private teacher, residente ng San Lorenzo Subd., Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.
Ayon kay Police Colonel Go, ganap na 8:56 ng gabi naaresto si Marchan sa nasabing subdivision ng mga operatiba ng Isabela Provincial Field Unit-CIDG, Regional Field Unit 2 at Cauayan City Police Station.
Ayon pa kay Police Colonel Go, ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Theft kaugnay sa RA 10175 Sec 6 (89 Counts) na may Criminal case No.R-MKT-22-00222 to R-MKT-22-00310-CR na inilabas ni Hon. Karen Matti Sy, Presiding Judge ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 145, Makati City noong Pebrero 15, 2022 at may piyansang Php10,500,000.
Magpapatuloy ang pagpapaigting ng mga kapulisan sa pagsagawa ng Oplan pagtugis para mahuli at mapanagot ang mga lumalabag sa batas.
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi