Tubod, Lanao del Norte – Isinagawa ang Preventing Countering Violent Extremism (PCVE) Activity ng Lanao del Norte PNP sa mga Muslim Person Deprived with Liberty sa Detention Facilities ng Bureau of Jail Management and Penology sa Lower Sagadan, Tubod, Lanao del Norte nito lamang Biyernes, Abril 22, 2022.
Ito ay pinangunahan ni Police Colonel Salman Saad, Chief ng Police Community Affairs and Development Unit ng Lanao del Norte Police Provincial Office sa ilalim ng direktang superbisyon ni Police Colonel Isaias Bacurnay Jr, Provincial Director at Police Major Mohammad Ali Amerol, Imam ng Police Regional Office 10.
Nagkaroon ng Lecture patungkol sa Preventing Countering Violent Extremism kasabay ang pamimigay ng food packs at hygiene kit para sa 50 kalahok ng naturang aktibidad.
Layunin ng programa na pigilan ang anumang karahasan upang mas maging matiwasay at maunlad ang Rehiyon 10.
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz