Sunday, November 24, 2024

Press Briefing isinagawa sa Camp Crame

Camp BGen Rafael T. Crame – Nagsagawa ng Press Briefing ang pamunuan ng Philippine National Police sa pangunguna ni Chief, PNP Police General Rodolfo S. Azurin Jr. kasama ang mga PNP Press Corps na binubuo ng mga mamamahayag mula sa iba’t ibang news agencies sa bansa ngayong araw ng Lunes, ika-19 ng Setyembre 2022, sa PNP National Headquarters, Camp Crame, Quezon City.

Unang binalangkas ni PGen Azurin ang mga operational achievements ng PNP kung saan naaresto ang tatlong suspek na kilalang-kilala bilang mga online sexual abuse and child exploiter na maging ang mga iba’t ibang bansa tulad ng Estados Unidos, German at Sweden ay iniimbestigahan ang mga naturang suspek, at mga kabataan ang kanilang mga binibiktima, sa isinagawang operasyon mula noong Setyembre 11 hanggang 17.

Nagtala rin sa isinagawang anti-illegal drug trade operations ng PNP noong Setyembre 1 – 17 ng 1,952 na arestadong suspek at nakumpiska ang may kabuuang 67.8 kilogram na shabu,194 kilogram na marijuana at 701,000 na halamang marijuana na may kaukulang Estimated Street Value na Php625,100,000.

Samantala, sa pinaigting na kampanya upang mahuli ang mga wanted na kriminal ay nakapagtala ng 3,142 na Wanted Persons ang nahuli ng kapulisan kung saan pito rito ay mga Most Wanted Person.

Nakapag-nyutralisa rin ang Pambansang Pulisya ng 13 organized crimes groups mula noong ika-1 hanggang 17 ng Setyembre kung saan 80 suspek ang naaresto at apat naman ang kusang-loob na sumuko sa kapulisan, at 13 baril ang nakumpiska sa mga ito.

Ipinaalam pa ni CPNP sa mga publiko ang kaukulang aksyon ng organisasyon alinsunod sa Republic Act 11550 na naglalayong hatiin ang probinsya ng Maguindanao sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur. Ani CPNP, inutusan na niya ang Directorate for Plans, na pinamumunuan ni Police Brigadier General Bernard M. Banac, upang maghanda ng administrative actions para magkaroon ng restructuring at reorganization sa Police Provincial Office sa kanilang staffing pattern at nang mapunan ang pangangailangang manggagawa sa bagong probinsya.

Ipinahayag din ng Hepe ng PNP na hiniling na niya ang koordinasyon sa National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Bureau of Immigration (BOI) at Department of Justice (DOJ) upang magkaroon ng updated na listahan ng mga aprubadong manggagawa sa mga POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) na sa ngayon ay pumapalo na sa 800,000 para magkaroon ng check and balance.

Patuloy namang iniimbestigahan pa ng kapulisan ang detalye ng diumano ay illegal na pag-occupy ng mga armadong grupo sa Masungi Georeserve na ayon sa naturang grupo ay may legal na tinutulo upang okupahin ang lugar. Inaalam din ng pamunuan ng PNP kung may mga kasabwat na active or retired personnel ng PNP.

Ang Philippine National Police ay magsisilbing kakampi ng bawat Pilipino at patuloy na magbibigay ng serbisyong maaasahan alinsunod sa M+K+K=K peace and security framework at sa minimithing safe and robust economy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles