Thursday, May 8, 2025

Pre-Deployment Briefing, isinagawa ng Cebu City PNP bilang paghahanda sa 2025 NLE

Nagsagawa ang Cebu City Police Office (CCPO) ng isang mahalagang Pre-Deployment Briefing para sa halos 400 personnel bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa seguridad ng darating na halalan na ginanap nitong Mayo 6, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Enrico Evangelista Figueroa, Acting City Director ng Cebu City Police Office, na naglalayong tiyakin ang kahandaan ng mga pulis na itatalaga sa 73 polling precincts sa buong lungsod ng Cebu.

Kabilang sa pangunahing tungkulin ng mga ito ang pagbibigay ng seguridad sa transportasyon ng mga opisyal na balota, Automated Counting Machines, at iba pang mahahalagang election paraphernalia. Ito ay bahagi ng mas malawak na layunin na matiyak ang isang payapa, ligtas, tapat, at maayos na halalan sa lungsod.

Bilang isang deputized agency ng Commission on Elections, muling iginiit ng CCPO ang kanilang pagiging non-partisan at ang kanilang buong paninindigan na mapangalagaan ang integridad ng halalan.

Sa ilalim ng masusing patnubay ng Police Regional Office 7, na pinamumunuan ni Police Brigadier General Redrico A. Maranan, nakahanda ang CCPO na gampanan ang kanilang tungkulin upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa panahon ng eleksyon.

Kasama rin sa paghahanda ang pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na ahensya ng pamahalaan upang mapalakas ang seguridad hindi lamang sa mga presinto kundi maging sa buong rehiyon ng Central Visayas.

Sa pamamagitan ng pinaigting na deployment ng kapulisan at malawakang koordinasyon, layunin ng CCPO na maisakatuparan ang SAFE — Safe, Accurate, Free, and Fair Elections para sa 2025.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,560SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles