Umarangkada ang Santa Fe Police Station sa kanilang Post Valentine’s Day Outreach Program sa mga estudyante ng Unib Primary School, Santa Fe, Nueva Vizcaya nito lamang Biyernes, ika-17 ng Pebrero 2023.
Pinangunahan ni Police Staff Sargeant Diana Rose Foronda, PCR PNCO at Police Corporal Daryl Impero sa pamumuno ni Police Major Angelo Dasalla, ay matagumpay na pinangangasiwaan ng grupo ang nasabing aktibidad.
Katuwang sa naturang programa ang Pag-asa Youth Association na masayang ipinamahagi ang mga food packs at loot bags, kasabay ang pagbibigay ng 50 tsinelas sa piling estudyante ng naturang eskwelahan
Ang aktibidad ay isang halimbawa at simpleng paraan ng Santa Fe Police para magbigay ng kasiyahan sa mga mamamayan hindi lamang sa araw ng mga puso kung hindi sa lahat ng oras at pagkakataon.
Source: Santa Fe Police Station
Panulat ni Patrolman Rustom T Pinkihan