Thursday, May 22, 2025

Post-Election Assessment, isinagawa ng PNP; NLE 2025, generally peaceful

Generally peaceful ang katatapos lamang na National and Local Elections 2025, iyan ay ayon sa Pambansang Pulisya kasunod ng isinagawang Post Assessment Report at Pagsusuri nito sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City noong Mayo 20, 2025.

Sa pangunguna ni Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Deputy Chief PNP for Administration, bilang kinatawan ni Police General Rommel Francisco D Marbil, PNP Chief, ang nasabing pagtitipon ay nagsilbing plataporma para sa mga pangunahing opisyal ng PNP upang suriin ang pangkalahatang performance ng organisasyon sa panahon ng halalan.

Ayon kay PLtGen Nartatez: “Ang tagumpay ng 2025 National and Local Elections ay bunga ng aktibong partisipasyon ng publiko, ang pagiging propesyonal ng ating mga pulis, at ang tiwalang ibinibigay sa amin ng mga komunidad na aming pinaglilingkuran. Sa hinaharap, patuloy naming pagtitibayin ang pundasyong ito, tinitiyak na ang bawat halalan ay magsisilbing patunay ng aming dedikasyon sa kapayapaan at demokrasya.”

Samantala, inilatag naman ng PNP ang iilang mga hakbang upang higit pang mapalakas ang kahandaan nito para sa mga susunod na halalan at iba pang mahahalagang kaganapan sa bansa. Magpapatuloy ang PNP sa pagmamasid sa lahat ng mga kaganapan gaya na lamang sa darating na Bangsamoro Parliamentary Elections, tulad ng ginawa nito para sa National and Local Elections, upang matiyak ang maayos na pagpaplano.

Gayundin, patuloy na susuportahan ng PNP ang perception management teams sa mga Police Regional Offices (PROs), matapos mapatunayan ang kanilang pagiging epektibo sa pagtugon sa mga isyu sa organisasyon.

Nagsimula na rin ang PNP sa roll-out ng TG PCR Community Survey upang sukatin ang tiwala ng publiko sa lahat ng PNP efforts sa nakaraang halalan upang matukoy ang mga aspeto na dapat pang pagbutihin ng himpilan sa pagtupad ng mga tungkulin nito.

Habang ang PNP ay nakatuon sa mga susunod na proseso ng halalan, nananatili itong matibay sa adhikain nitong magkaroon ng isang “Mahusay, Matatag, at Maasahang Kapulisan”—isang makabagong pulisya para sa isang makabagong lipunang Pilipino.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles