Friday, September 20, 2024

‘Polvoron’ video ni PBBM, hindi makatotohanan

Nagsalita na si Interior Secretary Benhur Abalos kasama ang kapulisan na pinangungunahan ni PNP Chief General Rommel Marbil tungkol sa kumakalat na bidyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na umano’y sumisinghot ng droga sa isinagawang press briefing sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City noong ika-22 ng Hulyo 2024.

Naglabas ng hinanaing si SILG Abalos na ang ‘Polvoron’ video na unang pinakalat sa ibang bansa ay hindi makatotohanan sapagkat ibang-iba ito sa aktwal na pigura ni PBBM.

“Hindi po ako naniniwala na yung video ay totoo. Nakasama ko na po ang ating Pangulo at features pa lang ni PBBM sa picture ay hindi na siya,” ani SILG Abalos.

Screenshot

“Napakarami ng kumakalat na pekeng bidyo online at hindi dapat tayo basta-basta naniniwala sa mga ito. Ang bidyo ay isang malisyosong gawa laban sa gobyerno sapagkat ito ay naitaon sa State of the Nation Address (SONA) ni PBBM,” dagdag ni SILG Abalos.

Ayon kay PBGen Matthew B Baccay, Acting Deputy Director ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Anti-Cybercrime Law na pwedeng makulong ng anim (6) na taon hanggang labin-dalawang (12) taon ang sinumang mapatunayang nasa likod ng pag-upload ng kumakalat na bidyo.

Inabisuhan naman ni SILG Abalos si CPNP Marbil na gumawa ng task force para maimbestigahang mabuti ang isyung ito at sa agarang pagkahuli ng nag-upload sa bidyo.

Hinihikayat naman ng mga kapulisan ang mga mamamayan na maging mapanuri sa mga impormasyong kumakalat online at makipagtulungan para panagutin ang mga tiwaling indibidwal tungo sa maayos at maunlad na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Tintin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles