Saturday, February 22, 2025

Political Forum at Peace Covenant, idinaos sa Cotabato City

Idinaos ang Political Forum at Peace Covenant sa Marine Battalion Landing Team – 5, Rosary Heights 9, Cotabato City noong ika-15 ng Pebrero 2025.

Pinangunahan ito ng Datu Blah Sinsuat Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Captain Octavio E. Llnenado Jr., Officer-In-Charge, katuwang ang COMELEC BARMM, Philippine Navy, Philippine Army, at ang Lokal na Pamahalaan.

May temang “Safe and Peaceful Election in Maguindanao: Secure and Fair Elections Promoting Equality, Accountability, Cooperation, Empowerment for Unity, and Lasting Peace”, layunin ng aktibidad na tiyakin ang maayos, patas, at tahimik na halalan sa rehiyon.

Dinaluhan ito ng mga kandidatong tumatakbo sa lokal na posisyon, mga pinuno ng komunidad, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor. Isang mahalagang bahagi ng programa ang paglagda sa Peace Covenant, bilang tanda ng kanilang pangako na panatilihin ang kapayapaan, tanggapin nang bukas-palad ang resulta ng halalan, at iwasan ang anumang anyo ng karahasan o pananakot laban sa mga katunggali sa pulitika.

Sa pagtatapos ng programa, nagkaisa ang lahat ng dumalo sa panawagang gawing inspirasyon ang halalan upang isulong ang Bagong Pilipinas—isang bansa na pinamumunuan ng kapayapaan, pagkakaisa, at malinis na pamamahala.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles