Monday, November 25, 2024

Police visibility sa mga pampublikong lugar, paiigtingin matapos ibaba ang alert level status sa Metro Manila

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa lahat ng unit commanders sa National Capital Region (NCR) na dagdagan ang mga pulis na magbabantay sa mga pampublikong lugar kasunod ng pagbaba sa COVID-19 alert level 3 ng Metro Manila.

Ang kautusan ay ibinaba ng hepe matapos umapela ang Department of Health (DOH) sa patuloy na pagsunod sa ipinatutupad na minimum public health safety protocol dahil sa pagdagsa ng mga tao sa mga simbahan, mall, parke at iba pang pampublikong lugar.

Nagpahayag ng pagkabahala ang DOH at health experts sa pagiging kampante ng mga tao na lumabas upang sulitin ang pagluwag ng restrictions sa Metro.

Sa ilang lugar, naobserbahan ng marami ang hindi sumusunod sa pinaiiral na protocol kahit paulit-ulit silang pinapaalalahanan ng mga tagabantay.

Ayon kay PGen Eleazar, makikipagtulungan ang PNP sa mga local government unit sa Metro Manila upang maayos na maipatupad ang minimum public health safety protocols at iba pang mga restriction na ipatutupad sa NCR.

“Natutuwa kami sa PNP na kahit paano ay bumabalik na sa normal ang sitwasyon sa ating bansa subalit hindi dapat maging dahilan ito para tayo ay maging kampante at balewalain ang health safety protocols dahil kung hindi, ang panandaliang kaligayahan na ating nararamdaman ngayon ay mauuwi na naman sa matagal na lockdown,” ani PNP Chief Eleazar.

Umapela rin ang hepe sa publiko na sumunod sa mga safety health protocol upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

Photo Courtesy: untvweb.com

#####

Article by Police Corporal Josephine T Blanche

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles