Puspusan ang pagsagawa ng police visibility at pag-iinspeksyon ng mga otoridad sa mga pamilihan at kalsada sa Araw ng Pasko sa bayan ng Surallah, South Cotabato nito lamang ika-25 ng Disyembre 2024.
Pinangunahan ng mga patrollers ng Surallah Municipal Police Station ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Level Josef J Clarete, Officer-In-Charge.
Sinisiguro ng PNP na maging payapa at tahimik ang pagdiriwang ng Araw ng Pasko ng mga residente at mga bisita sa kanilang lugar.
Mas lalong pinapaigting ng ating kapulisan ang pagbabantay sa seguridad upang maipagdiwang ang pasko ng matiwasay at ang papalapit na bagong taon.