Nagsagawa ng Police Visibilty at Foot Patrol ang mga tauhan ng Alabel Municipal Police Station sa mga beaches na dinayo ng mga gustong magdiwang ng bagong taon sa area ng Ladol at Kawas Beach Resort, Barangay Ladol at Kawas, Alabel, Sarangani Province nito lamang ika-1 ng Enero 2025.
Naging payapa ang pagdiriwang ng bagong taon sa mga beaches sa isinagawang foot patrol at police visibility ng mga kapulisan sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Reynaldo S Delantein, Chief-of-Police ng Alabel Municipal Police Station.
Ang ganitong hakbang ay isinasagawa upang maiwasan ang anumang krimen at maipagdiwang ang unang araw ng taon na payapa at ligtas.
Ang mga ganitong selebrasyon ay mas tinutukan ng ating kapulisan, dahil ang gusto ng Pulis, Ligtas ang pagdiriwang ng bawat isa.