Nakiisa ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region sa taunang pag-alala sa kagitingang ipinamalas ng SAF 44 na namayapang miyembro ng PNP Special Action Force na may temang “Courage Beyond Measure: Remembering the Sacrifice of the SAF 44 for Peace” sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-25 ng Enero 2025.
Pinangunahan ni Police Brigadier General Romeo Juan Macapaz, Regional Director ng PRO BAR, ang naturang seremonya katuwang ang mga pamilya ng SAF 44 na nagmula sa rehiyon.
Sa seremonyang ito, ipinamalas ng mga opisyal at tauhan ng pulisya ang taos-pusong pagpupugay sa mga yumaong bayani, bilang patunay na ang kanilang alaala ay nananatiling inspirasyon sa pagtupad ng sinumpaang tungkulin.
Ang katapangan at sakripisyo ng SAF 44 para sa kapayapaan at seguridad ng ating bansa ay mananatiling buhay sa alaala ng buong hanay ng Pambansang Pulisya.
Ang kanilang kabayanihan ay magiging inspirasyon sa bawat miyembro upang patuloy na tuparin ang kanilang sinumpaang tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad na may integridad at dangal.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya