Camp BGen Simeon A. Ola, Legaspi City – Nakatanggap ang Police Regional Office 5 ng Php5,084,805 na halaga ng mga Information and Communication Technology (ICT) equipment mula sa Armed Forces and Police Savings & Loan Association, Inc. (AFSLAI) sa pamamagitan ng Deed of Donation na isinagawa nitong araw ng Lunes, Setyembre 5, 2022.
Personal na tinurn-over ni Vice Admiral Guadencio C. Collado Jr., PN (Ret), President and CEO ng AFSLAI ang mga donated ICT equipment kay Police Brigadier General Rudolph B. Dimas, Regional Director ng PRO5 kasabay sa isinagawang Monday Flag Raising Ceremony sa Camp BGen Simeon A. Ola, Legaspi City, Albay.
Kasama sa kagamitan na ibinigay sa PRO5 ay ang 15 yunit ng Cannon photocopier; 15 yunit ng Epson printer; 15 yunit ng Cannon scanner; 15 yunit ng Tuf gaming laptop; 15 yunit ng desktop computer; at 15 yunit ng 70 inches na Samsung Television.
Ayon kay PBGen Dimas, ang mga bagong ICT equipment ay labis na makakatulong upang mapahusay at maging epektibo ang pagtatrabaho at serbisyo ng kapulisan ng PRO5.
Ipinaabot naman ni PBGen Dimas ang kanyang labis na pasasalamat sa AFSLAI para sa kabutihang loob nito na bigyan ng ganitong suporta at pagtitiwala ang pamunuan ng PNP PRO5.
Source: KASUROG Bicol
Panulat ni Pat Rodel Grecia