Quezon – Nagsagawa ang Police Regional Office 4A Officers’ Ladies Club ng “OPLAN Bisita-Eskwela (BES) and Gift Giving” na idinaos sa Dagatan National High School, Brgy. Dagatan, Dolores, Quezon nito lamang Oktubre 25, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mrs. Mary June Lucas, Adviser, Police Regional Office 4A Officers’ Ladies Club, katuwang ang Regional Community Affairs and Development Division – Family Juvenile Gender Advocacy Development.

Tinatayang 70 estudyante ang nabiyayaan ng school supplies, tuwalya, payong at foodpacks.

Bukod dito, tinalakay para sa mga estudyante ang patungkol sa R.A. 8353 o “The Anti-Rape Law of 1997,” R.A. 11313 o RA 11313 o Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law), at Anti-bullying Campaign.

Layunin nitong makuha ang tiwala at kumpiyansa ng komunidad, partikular sa sektor ng kabataan, at hinihikayat silang maging S.T.R.O.N.G (Smart, Talented, Responsible, Obedient, Nice, and God-Fearing).
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin