Thursday, September 19, 2024

Police Regional Office 2, nakahanda sa posibleng isasagawang rally kasabay ng SONA ni PBBM

Nakahanda ang Police Regional Office (PRO) 2 sa mga posibleng magsasagawa ng rally sa kasagsagan ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa araw ng Lunes, Hulyo 22, 2024.

Ayon kay Police Major Sharon Mallillin, Public Information Officer ng Police Regional Office 2, ilang araw bago ang SONA ng pangulo ay ilang aktibidad ang kanilang isinagawa kaugnay sa paghahanda sa seguridad.

Nagkaroon ng pagsasanay ang mga kapulisan ng PRO 2 lalo na sa lower units upang mapaghandaan ang maximum tolerance sakaling magkaroon ng kilos protesta o rally. Activated na rin aniya ang kanilang standby force na maaring ipadala sa Maynila sakaling kailanganin ng augmentation support sa mga pulis na magbabantay sa SONA.

Nagpapatuloy naman ang kanilang mga isinasagawang police visibility checkpoints sa pambansang lansangan lalo na sa entry at exit points ng rehiyon dos. Sa ngayon ay wala silang namomonitor na sectoral organization na nagbabalak na magtungo sa Maynila para sumama sa isasagawang rally kasabay ng SONA.

Ang PRO 2 sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Christopher C Birung, Regional Director, ay patuloy na paiigtingin ang seguridad sa nasasakupan upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng publiko sa gaganaping SONA sa lunes.

Source: PRO 2

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles