Davao City – Nagsagawa ng bloodletting activity ang mga tauhan ng Police Regional Office 11 sa Davao City Police Office, Capt. Domingo E Leonor, San Pedro St., Davao City, noong Hulyo 7, 2022.
Pinangunahan ni PLtCol Jerry Abrogina, Assistant Chief ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) ang nasabing aktibidad at sa pakikipagtulungan ng Philippine National Red Cross Davao Chapter ay naging matagumpay ang nasabing aktibidad.
Nakapagtala naman ang 61 blood donors mula sa mga tauhan ng PRO11, Davao Auxiliary Force at National Police Commission 11.
Ang nasabing aktibidad ay isa lamang sa mga proyekto ng PRO11 na inihanda para sa ika-27th Police Community Relations (PCR) Month sa pangunguna ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara