Misamis Oriental – Nagsagawa ng community outreach program ang mga miyembro ng Police Regional Office 10 sa Brgy. Samay, Balingasag, Misamis Oriental nito lamang Setyembre 21, 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Jonathan Gere, Assistant Division Chief, Regional Community Affairs and Development Division 10 at Police Lieutenant Colonel Ariel Philip Pontillas, Deputy Provincial Director for Administration, Misamis Oriental Police Provincial Office.

Nagbigay naman ng pasasalamat at suporta si Balingasag Mayor Alexis Quina sa matagumpay na programa.
Nagkaroon ng drug awareness lecture ang Balingasag Municipal Police Station habang ang National Intelligence Coordinating Agency 10 ay tinalakay ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Nakiisa rin sa aktibidad ang ACCERT, CLIMB CARES, Life coach, Barangay Health Worker, at Barangay Peacekeeping Action Team.
Isinagawa ang serbisyong medikal at pamimigay ng gamot ang Regional Medical and Dental Unit 10.
Nagsagawa rin ng pamimigay ng food packs, limang kilong bigas, tsinelas, at libreng gupit at 14 naman na solar lights ang tinurn-over sa naturang barangay.
Patuloy ang Police Regional Office 10, sa pagsisikap na maipatupad ang iba’t ibang programa na makakatulong upang mas mapagtibay ang ugnayan ng PNP at mamamayan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris